top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Setyem­bre 10, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 10, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEM­BRE 10, 2019 (Martes): Kahit dumaan ka sa hirap, ang tagumpay ay para sa iyo. Simple lang ang por­mula. Mag-ambisyon ka at ‘yun na, magtata­gum­pay ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maluwag at madali mong maisasagawa ang mga plano mo. Kung wala ka pang mga plano, ngayon na rin ang magan­dang araw para sa pagbuo nito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-2-19-20-24-36-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagkaka­looban ka ng langit ng lakas ng loob na puwede mong magamit para higit pang gumanda ang iyong buhay. Gamitin mo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-22-24-34-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong masob­rahan ang ta­pang mo. Bitbitin mo ito at gamitin mo lang kung kinakailangan kaya dapat ay bukas ang iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-29-37-43-45.

CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang mga araw na ikaw ay du­wag. Sa mga araw na ito, kusa kang kikilos para ta­hakin ang landas ng iyong buhay kung saan sa dulo ay katuparan ng iyong pa­nga­rap. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-4-13-20-25-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Una­hin mo ang ka­pwa mo dahil ikaw ay may garantiya mula sa iyong kapalaran na yayaman. Ang kapalaran ng iyong kapwa na aalalayan ay hin­di katulad ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-7-12-18-25-28-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw mismo ay magtataka sa sarili mo dahil ang hindi mo nagawa noon ay magagawa mo ngayon. Hindi ka na mapapabi­lang sa mga taong mahina ang loob. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-18-26-37-45-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangyayari. Sa huli, sasabihin mo na langit pala ang nakaa­alam kung ano ang mabuti sa bawat tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-20-21-25-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakam­bal ng kapala­ran mo nga­yon ang suwerte. Kaya ang sinumang susubok sa iyong kapalaran ay mamamang­ha sa magaganap dahil muli, kakambal ng kapalaran mo ang suwerte. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-26-28-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang handang umalalay sa iyo. Ang mga kontrabida ay ma­babawasan. Habang kino­kontra ka, lalong ga­ganda ang buhay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-2-11-15-18-26-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasusuga­tan ang isda na lumala­ngoy nang salungat sa agos. Sak­yan mo lang ang agos ng buhay dahil bukod sa hin­di ka na masasaktan, ma­raming sorpresa ang naka­laan sa iyo. Masuwerteng ku­­lay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-29-31-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lihim kang tumawa kapag may maga­galit sa iyo dahil sa inggit. Ayon sa kapalaran, kailangan mo talaga ang mga maiinggit dahil sila ay lihim na mag­bibigay sa iyo ng mga su­werte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-25-30-32-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hak­bang paatras at da­lawang hak­bang pasulong. Isabuhay mo ito nang sa gayun ay matu­liro ang mga lantad at lihim mong kaaway. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-20-21-23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page