Ganern, Piolo?! Maris, umaming walang nagyari sa kanila ni Iñigo


Sa nakaraang episode ng Gandang Gabi Vice last September 8, sinagot nina Iñigo Pascual at Maris Racal ang tanong ni Vice Ganda kung handa na ba sila sa mga kissing scenes sa kanilang mga projects.
Bungad ni Maris, “Feeling ko, hindi ko pa po kaya kasi… hindi ko pa rin po nata-try but…”
Kahit pa ang ex-BF na si Iñigo ang kanyang ka-kissing scene?
“Depende sa istorya po, pero kung parang pinagtitripan lang…,” umiiling pang sabi ni Maris.
Sey naman ng binatang singer-actor na si Iñigo, “Kung kakailanganin siyempre sa pelikula....”
“Kasi weird naman ‘yung ang ganda ng love story nila, tapos as an actor, hindi mo ibibigay,” dagdag pa ng aktres sa sagot ni Iñigo.
Paliwanag ng It’s Showtime host, normal naman sa nagmamahalan ang mag-kiss.
“Saka normally, nagki-kiss naman talaga ang love birds,” sabi pa ni Vice.
“Did you kiss?” biglang tanong ni Vice sa dating magka-love team.
Nagulat at hindi kaagad nakapagsalita si Maris bago nito sinabing, “Hindi, hindi po, Ate Vice…”
Umiiling at natatawa rin si Iñigo kaya’t naawa naman si Vice at hindi na niya pinilit sumagot pa ang dalawa.
“Sige na nga, ‘yung tingin mo sa akin, parang sinasabi mo na, ‘Ate Vice, stop,’” sabi ni Vice kay Maris.





Comments