Faeldon, may second chance, De Lima, bubulukin na sa kulungan!

KAPAG NAGKAPUWESTO ULIT SA GOBYERNO, KAY FAELDON ANG HULING HALAKHAK—Matapos sibakin sa Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagpapalaya sa mga kilabot na preso, sinabi ni P-Duterte na may tiwala pa rin siya kay Nicanor Faeldon at posibleng magkapuwesto ulit sa gobyerno.
Kapag muling nagkapuwesto, aba, kay Faeldon pala ang huling halakhak at asar-talo naman ang mga nanawagang huwag na siyang bigyan ng posisyon sa pamahalaan, boom!
◘◘◘
TILA MABUBULOK NA SA BILANGGUAN SI SENADORA DE LIMA—Hindi pa man natatapos ang drug case laban kay Sen. Leila de Lima, sinampahan ulit siya ng gobyerno ng kasong sedition.
Naku, tila yata bubulukin talaga ng Duterte gov’t. sa kulungan si Sen. De Lima, ang saklap naman!
◘◘◘
KAPAG MAY “PORK” ANG 2020 NATIONAL BUDGET, BAKA MAKUDETA SI SPEAKER CAYETANO—Matapos mabulgar na may isiningit na tig-P300 milyong “pork barrel” ang mga kongresista sa 2020 National Budget, tiniyak ni P-Duterte na ibabasura niya ito.
Kung ganu’n, dapat tiyaking mabuti ni Speaker Alan Peter Cayetano na walang “pork” ang babalangkasin nilang P4.1 trillion 2020 National Budget kasi kapag meron, baka mismong si P-Duterte na ang mag-utos na ikudeta siya (Cayetano) sa Kongreso, boom!
◘◘◘
STL LANG ANG OKS KAY P-DUTERTE, PERO RAKET NA JUETENG ANG UMARANGKADA SA CAVITE—Umarangkada na raw ang raket na jueteng ni “Areza” sa Cavite.
Aba, baka malintikan sina Cavite Gov. Jonvic Remulla at PD Col. William Segun kay P-Duterte, kasi ang gusto ng pangulo ay legal na STL ang i-operate para may ambag sa mga mahihirap na may sakit at hindi illegal jueteng, period!





Comments