top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babaeng first and last na ang magiging BF, kita sa palad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Twenty-three years old na ako at wala pa ring nobyo hanggang ngayon. Hindi ko maiwasang ma­inis sa mga pinsan ko na may kani-kanyang BF dahil parang ipinagma­ma­laki at iniinggit pa nila ako.

  2. Mayroon namang nanliligaw sa akin pero wa­lang seryoso at ang iba, bukod sa torpe ay hindi ko naman gusto.

  3. Gusto ko kasi ay pormal na nanliligaw sa ba­hay namin para ma­ram­daman ko ang sinse­ridad ng isang lalaki.

  4. Maestro, kailan kaya ako magkaka-boy­friend para hindi na ako naa-out of place kapag ka­sama ko ang mga pinsan ko?

Kasagutan

1. Kapansin-pan­sin ang walang biyak at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend ngayon, kung sino ang una mong maging nobyo ay siya na rin ang iyong mapapa­ngasawa kung saan naka­takda siyang dumating sa lugar na hindi mo inaakala at sa pagka­kataong hindi mo inaasahan na kinumpirma na­man ng Heart Line din (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na na­mataang tumung­tong sa Bundok ng Tagum­pay (ar­row b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Tanda na, min­san ka lang magma­mahal, minsan ka lang mag­kaka-boy­friend at ang min­sang ito ay magiging suc­cessful, mali­gaya at magi­ging panghabam­buhay na.

2. Ang pag-aanalisang kung sino ang magiging first boyfriend mo ay siya na rin ang mapapangasawa mong lalaki na madaling kinumpir­ma ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan napa­kasuwerte mo dahil kung paano ka naging tapat sa iyong boyfriend ay ganundin siya sa iyo.

Hanggang ang nasabing tapat at wagas na samahan ay mauuwi na rin sa ma­ligaya at pangha­bam­buhay na pagma­ma­halan.

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Alisson, sa kasalukuyang taon sa buwan ng Disyembre bago sumapit ang Pasko, ti­yak ang magaganap, maki­kilala mo na sa wakas ang la­laki na una at huli mong ma­mahalin na isinilang sa zodiac sign na Aquarius at may mga birth date na 1, 10 at 19, tulad ng nasabi na. Sa sandaling kayo ay nagkaki­lala, magkakahulugan agad kayo ng loob at unti-unti nang mabubuo ang mainit at pang­habambuhay na pag­ma­mahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page