3 nadale sa pinulutang palaka

GINAGAMOT ang tatlong magkukumpare makaraang mamulutan ng palaka kamakalawa ng gabi sa Balungdao, Pangasinan.
Kinilala ang mga naospital na sina Martin Ocampo, Larry Feceo at Emil Decena, pawang nasa hustong edad, may asawa at naninirahan din sa nasabing lugar.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, bandang hapon nang mamingwit ng palaka ang tatlo sa likod ng kanilang bahay na kanilang inadobo saka pinulutan. Hanggang sa makaramdam ng sakit ng tiyan, paninikip ng dibdib at pagkahilo ang tatlo kaya agad silang dinala sa ospital.





Comments