Walang pensiyon.. P1,000 monthly kina lolo‘t lola

INIHIHIRIT ni Senator Kiko Pangilinan na makatanggap ng P1,000 kada buwan ang lahat ng senior citizens na hindi pa nakakatanggap ng kahit anong pensiyon.
Layunin ng Senate Bill 259 na baguhin ang umiiral na batas Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 sa dalawang paraan: Doble ang buwanang pensiyon mula P500 to P1,000; palawakin ang programa mula sa pagsasaklaw lamang sa mga indigent senior hanggang sa lahat ng senior.
“Kinikilala natin ang mga contribution ng ating mga senior citizen sa pag-unlad ng bayan. Nagbigay ng ginhawa ang ipinasa nating batas sa tatlong milyong mahihirap na senior pero, malaki pa ring porsiyento ng mga senior ang ‘di kasama sa programa,” ani Pangilinan.





Comments