top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Swak na swak, ayon sa birthday... BF, nakilala lang sa text pero sure nang makatutuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon at nakilala ko siya sa pamamagitan ng text.

Nag-eyeball na kami at ipinakilala na rin niya ako sa mga magulang at kapatid niya.

Itatanong ko lang kung compatible ba ka­ming dalawa at siya na kaya ang makatutuluyan ko?

Almost six months na ang relasyon namin at masaya kami pareho. September 16, 1992 ang birthday niya habang May 19, 1993 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Shakira ng Santo Cristo, Bago Bantay, Quezon City

Dear Shakira,

Ayon sa zodiac sign mong Taurus at Virgo ng boyfriend mo, tunay na compatible kayo dahil ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tinatag­lay, ito ay ang elementong earth o lupa kung saan ang pagsasama ng dalawang earth type signs ay sadyang nagiging maligaya at ma­sagana.

Ganundin halos ang nais sabihin sa pag-aana­lisang pang-Numerology kung saan ang birth date mong 19 o 1 (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1) sa destiny number na nagkataong 1 din (5+19+1993=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0= 1) ay sadya namang tugma sa birth date na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) at sa destiny number na one (1) din ng boyfriend mo (9+16+ 1992=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1) kung saan ang weak number niyang 16 o 7 ay sadyang suweto at tugmang isama sa strong number mong 1.

Nangangahulugan na sa aspetong Astro-Nume­rology, tunay na tugma at compatible kayong dalawa at sa malapit na hinaharap, posible ang magaganap, kayo na ang magkakatu­luyan at nakatakdang mag­sama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabam­buhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page