top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nakakatanggap ng death threats, nasusuhulan.. Media, bawal mag-witness sa drug operations

  • Jeff Tumbado
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

DELIKADO ang buhay ng media at wala silang sapat na proteksiyon kapag sumasaksi sa drug operation.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena ‘Niña’ Taduran kasabay ng pagkatig sa panukala ng National Press Club na amyendahan ang Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002, partikular ang nag-aatas sa representante mula sa media sa pagsaksi sa isinagawang paghuli at pag-imbentaryo ng mga droga at iba pang ebidensiya mula sa nahuling drug suspect.

Naniniwala si Taduran na nahaharap sa panganib ang media na tinatawag mula sa pag-imbentaryo ng ebiden siya hanggang sa paggulong ng kaso sa korte.

“May ilan nang media men na ginawang witness sa drug operations ang nakakatanggap ng death threats o kung hindi man ay inaakit sa pamamagitan ng suhol ng mga suspek sa droga,” ayon kay Taduran.

“Ang media ang itinuturing na Fourth Estate. Hindi sila bahagi ng criminal justice system. Trabaho ‘yan ng pamahalaan,” giit pa ni Taduran.

Sinabi pa ni Taduran na bukod sa pag-amyenda sa Section 21, Paragraph 1 ng RA 9165, kailangan ding maisabatas ang kanyang panukala na House Bill No. 2476 o Media Workers Welfare Bill na magbibigay ng dagdag na seguridad sa mga miyembro ng media.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page