Mga lumayang preso na pinasusuko.. Nag-abroad na
- V. Reyes
- Sep 9, 2019
- 1 min read

NAKALABAS na umano ng Pilipinas ang ilan sa mga convict sa heinous crimes na maagang napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na may mga natatanggap silang impormasyon na nakapag-abroad na ang ibang mga preso.
Gayunman, sinabi ng kalihim na nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa International Police (Interpol) upang maibalik sa Pilipinas ang mga dating convict sa pamamagitan ng extradition.
“Positive naman. Sabi nila anuman ang maitutulong ng Interpol ay gagawan ng paraan,” ayon Año.
Gayunman, aminado si Año na walang magagawa ang gobyerno kung nagtungo ang convict sa bansang walang extradition agreement ang Pilipinas. Batay sa tala ng Bureau of Corrections, aabot sa 22,049 na persons deprived of liberty ang pinakawalan mula noong 2014 dahil sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance.





Comments