top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Setyem­bre 09, 2019 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Sep 9, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 9, 2019 (Lunes): Kahit ma­bibigat ang mga pagsubok na iyong kahaharapin, hin­di pa rin maaawat ang iyong pagyaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mayayanig at mangangamba ka! Pero sa huli, iisa lang ang mangyayari na sa kabila ng malalakas mong kaba ay matatagpu­ang hawak-hawak mo ang bandila ng tagumpay. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-30-35-41-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Ku­sang lalapit sa iyo ang magagandang ka­palaran. Ito ay mangya­yari dahil ito ay mga premyo mula sa langit dahil sa iyong katatagan at tibay. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-24-28-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-da­han ka dahil ang biglaang pagkakamali ay lalagay sa iyong harapan. Sa pagiging marahan mo, makikita mo ang mga puwedeng maka­sira ng iyong diskarte. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-27-33-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pilitin na tapu­sin ang iyong mga problema at hayaan mo lang ang mga ito. Mas magandang tuluy-tuloy lang ang buhay nang wala kang iniisip na anumang alala­ha­nin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-21-25-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sa­sakit ang ulo mo kung hindi ka makaiiwas sa mga taong napakahi­rap unawain. Hindi inuunawa ang ayaw makaunawa. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-17-21-28-30-36-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Isang katotohanan ang iyong ma­sasaksihan ngayon kung saan ang mga sikat at ma­yayabang ay mawawalan ng ningning at kahambu­gan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-23-25-34-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Totoo ba ang karma? Nga­yon, hindi ka mag-aalinlangan kung to­too ito o hindi. Makikita ng marami na aanihin ng mga nakagawa sa iyo ng kasa­la­nan ang kanilang kama­la­san. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-24-27-45-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatutuwa kung minsan ang buhay sa mundo. Kung sino pa ang hindi naghirap, siya ang ku­main ng masarap. At ang naghirap ay patuloy na nag­hihirap. Ikaw ay napa­bi­bilang sa una. Masu­wer­teng kulay-white.Tips sa lotto-8-16-20-24-38-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magagawa ang pilit na humi­hila sa iyo pababa. Dahil ha­bang hinihila ka, natutulad ka sa saranggola na mas lalong tumataas habang hi­­hinila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-25-35-39-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang kapalaran mo ang hawak mo, dahil hawak-hawak mo rin ang kapalaran ng mga na­kapaligid sa iyo kaya hindi ka dapat mabigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-26-35-38-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang lumaban! Tularan mo ang tupa na maamo at walang angal. Tulad din ng tupa, higit sa lahat ng mga hayop, ikaw ay mamahalin higit kaninuman ng langit. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-17-20-25-26-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hihilahin ka ng iyong mga paa at dadal­hin ka nito sa harap ng iyong mga suwerte. Nangyari na ito sa iyo noon at muling mangyayari. Kung nasa­an ang suwerte ay doon ka mapupunta. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-25-38-41-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page