top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Comboy at Castro, bida sa men at women’s FEU win

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 2 min read

NAGWAGI ang FEU sa pamamagitan ng 81-59 na panalo kontra UE kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum.

Umiskor ng kanyang bagong career high na 24 puntos si Wendell Comboy upang giyahan ang “bounce back victory” ng Tamaraws.Naging katuwang niya si LJ Gonzales na nagposte ng sariling career-high na 14 puntos maliban sa tig-8 assists at rebounds at 3 steals sa pagbawi ng Tamaraws mula sa pagkatalo sa Fighting Maroons noong Miyerkules sa pagsisimula ng torneo. “Well, it’s always nice to get your first win of the season especially coming off that opening day loss,” ayon kay FEU coach Olsen Racela.

Ayon pa sa FEU mentor, tradisyon na sa koponan ang pagkakaroon ng malakas na backcourt. “Tradition na guard-heavy ang FEU. We always rely on our guards and this season is no different.” Para sa nabigong Red Warriors na nalaglag sa 0-2, sa nangunang si Senegalese big man Alex Diakhite na nagsalansan ng 21-puntos, 15-rebounds at 4 na blocks kasunod ang Cebuano standout na si Rey Suerte na may 17 puntos at 10 rebounds.

Samantala, nakaligtas ang FEU sa paghabol ng UE upang maitala ang 70-59 na panalo kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum. Kumamada ng 20 puntos, 13 rebounds, at 6 blocks si Clare Castro para giyahan ang Lady Tamaraws sa nasabing bounce back win. “Wala silang malaki, so kailangan natin gamitin si Clare,” pahayag ni FEU coach Bert Flores. “Pag nilabas mo si Clare, halos bulilit na ang players namin eh.”

Nakatulong ni Castro si Choy Bahuyan na nagdagdag ng 16 puntos, 6 rebounds, 3 steals, at 2 assists, gayundin si Fatima Quiapo na nagsalansan ng 12 puntos, 6 rebounds at 4 assists. “Binigyan ko rin ng confidence yung bagong players namin. Eight players ang mawawala next year so kailangan silang bigyan ng confidence,” wika ni Flores matapos makabawi sa unang araw na kabiguan sa kamay ng defending champion National University. Nagtapos na topscorer si Pedregosa para sa Lady Warriors sa ipinosteng double-double 21 puntos at 14 rebounds.

Samantala sa ikalawang laro, pumatas ang Ateneo de Manila sa NU sa liderato matapos makopo ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 92-90 paggapi sa De La Salle University. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page