3 holdaper ng taxi, arestado

TIMBOG ang tatlong holdaper na nambiktima ng taxi driver sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang mga suspek na sina Ralph Bertulfo alyas Rap Rap, 34, cellphone technician; Oliver Ramil, 45, barker at Jiener Billones, 23, barker.
Ayon kay Col. Flores, alas-5:00 ng madaling-araw nang dumulog sa Caloocan Police Community Precinct-3 ang taxi driver na si Virgilio Suganob, 58, ng San Jose del Monte, Bulacan, matapos holdapin ng mga suspek sa Bgy. 176, Bagong Silang, alas-3:30 ng madaling- araw.
Agad nagkasa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PCP-3 sa pangunguna ni PMaj. Jobbie Astucia na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang cellphone na nagkakahalagang P1,300, isang sumpak at dalawang bala ng 12 gauge shotgun, pen gun, tatlong bala ng caliber .38, pekeng baril at granada habang hindi na nabawi ang P1,500 na pang-boundary ng taxi driver.





Comments