2 puti at 1 dilaw na paruparo, suwerte at magandang love life ang hatid
- BULGAR

- Sep 9, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Alex ng Alexa_Mae@face-book.com
Dear Señor,
Ano ang ibig sabihin ng paruparo na kulay dilaw na dumapo sa damit ko? Minsan, may pumasok sa kusina namin na dalawang butterflies pero color white naman. Sabi nila, suwerte raw ‘yun. Susuwertehin nga kaya ako?
Rito sa amin, nagulat ako nang dumami ang mga butterfly, samantalang, noon ay wala naman sila.
Maraming salamat!
Naghihintay,
Alex
Sa iyo Alex,
Alam mo, iha, nakagugulat talaga ang mga nangyayari sa mundo ngayon. Nakamamangha ang biglaang pagdami ng butterflies.
Maaaring isipin ng fans ng mga engkantada na sasakupin na tayo ng mga diwata.
Mas maganda kung ganu’n dahil ang hindi maganda ay kung sakupin tayo ng mga engkanto at mga maligno.
Gayundin, sa kabila ng katotohanang nasisira ang kalikasan ay ang pagbuti ng kalagayan ng mga halaman. Nagbabalita rin na gumaganda ang mundo ng mga maliliit na hayop.
Ito ang tagong dahilan kung bakit madalas nang makita ang butterflies ngayon. Kakaiba sa inaasahan ng negatibong mga dalubhasa na mawawala na ang mga insekto sa mundo.
Ayon sa paniniwala, may dalang magagandang kapalaran ang mga paruparo.
Ang kulay yellow ay nagsasabing, yayaman o makahahawak ng maraming ginto ang sinumang darapuan, pero, walang mga ginto ngayon kaya ang makabagong kahulugan nito ay makahahawak ka ng maraming pera.
Ang kulay puti naman ay nagbabalita ng maganda at malinis na kapalaran, mga suwerteng makukuha dahil sa wagas at dalisay na personalidad ng darapuan o makakikita ng mga puting paruparo.
Pero, dahil nakita mo na pumasok sa inyong kusina ay ang mga naghahabulan, nangangahulugan na sila ay nagliligawan at mauuwi sa ‘mating’ o pagre-reproduce.
Ang naghahabulang dalawang puting paruparo ay nagsasabing, nahaharap ka ngayon sa bagong kabanata ng iyong love life kung saan maaari kang makapag-asawa. Ang marriage na papasukin mo ay mapapabilang sa tinatawag na “marriage made in heaven”.
Good luck and God bless!




Comments