top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Bato’ at Faeldon, painosente-epek sa “laya for sale” sa bucor

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

SA PANUKALA NI SEN. “BONG” GO, MA­BUBULOK NA SA SEL­DA ANG MGA KILABOT NA KRIMINAL—Dahil palpak ang naisabatas na Good Conduct Time Allow­ance (GCTA) Law noong panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III kung saan ang mga akusado sa karumal-dumal na krimen ay nakinabang din sa nasa­bing batas kahit hindi naman sila kuwalipikado, agad nag­panukala si Sen. Christopher “Bong” Go na hindi dapat ka­sama sa GCTA ang sinu­mang napan ng heinous crimes.

Sa panukalang-batas ni Sen. Go, makatitiyak ang ta­umbayan na ang mga kilabot na kriminal ay mabubulok na sa kulungan, period!

◘◘◘

MAHINA ANG RA­DAR NINA SEN. “BATO” AT FAELDON — Inamin nina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at nasibak na Bu­Cor Chief Nicanor Faeldon na ngayon lang daw nila nalaman na may GCTA for sale pala para makalaya ang mga preso.

Sana, nang ialok ni P-Du­terte ang posisyong BuCor chief noon kina Sen. “Bato” at Faeldon, hindi nila tinang­gap kasi mahina pala ng kanilang radar kaya hindi nila nalaman na may ganyang raket sa BuCor, boom!

◘◘◘

MAY “POWER” PA RIN PALA SI EX-P-NOY SA SC?—Nagpalabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) na hindi na raw puwe­deng kasuhan si ex-P-Noy ka­ugnay sa Mamasapano mas­sacre na ikinasawi ng SAF 44.

Kung ganu’n, may ‘po­wer’ pa rin pala sa SC si ex-P-Noy, buwisit!

◘◘◘

GOV. ESPINO AT COL. MARANAN, “NGA­NGA” SA RAKET NA JUETENG — Hataw na raw ngayon ang operasyon ng jueteng nina “Millora”, “Anton” at “Mars” sa Panga­sinan.

Kung totoo ito, “nganga” lang pala sa raket na jueteng sina Gov. Amado Espino III at PD Col. Rederico Maranan sa kanilang jurisdiction, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page