top of page
Pokwang.jpg

Unang napalaya dahil sa GCTA, 86-anyos, sumuko

Jeff Tumbado
Sep 8, 2019
2 min read

ISA sa mga babalik ng selda ang 86-anyos na lolo na boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya alinsu­nod sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat bumalik sa kulu­ngan ang lahat ng napalaya dahil sa maling pagpapa­tupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Biyernes ng umaga nang magtungo si Ireneo Busano kasama ang kanyang mga kaanak para alalayan siya na maisuko ang sarili sa Villaba Municipal Police Station sa Leyte.

Ani Villaba acting Police Chief Master Sergeant Sher­win Cabarle, mula nang ma­laman umano ni Ireneo, resi­dente ng Bgy. Balite, ang utos ng pangulo ay labis na nag-alala ito sa kanyang se­guridad subalit, dahil na rin sa payo at tulong ng kanyang kaanak ay maayos na sumu­ko ito.

Si Busano ay napan ng reclusion perpetua dahil sa qualified rape noong March 23, 2004 at nakulong sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte at napalaya nito lamang Marso 18, 2019 dahil sa good behavior nito sa ilalim ng GCTA Law na pinirmahan ni dating Bureau of Corrections Director Ge­ne­ral Nicanor Faeldon.

Samantala, nasa kabu­uang 37 na ang bilang ng mga nagsisuko sa iba’t ibang bahagi ng bansa na napalaya dahil sa GCTA.

Base sa datos ng Philip­pine National Police (PNP), mula sa orihinal na 25 ay umakyat na ito sa 37 as of Friday.

Tinukoy ng PNP na ang lugar na may pinakamala­king bilang ng mga sumuko ay ang Cagayan Valley, sumu­nod ang Central Visayas; Bicol Region; Western Visa­yas; Central Luzon; Calabar­zon, Eastern Visayas, Natio­nal Capital Region at Cordil­lera Administrative Region.

Karamihan sa mga nag­sisuko at nabigyan ng laya dahil sa GCTA ay pawang may mga kasong heinous crime at convicted na ng korte tulad ng rape (13), mur­­der (13), robbery with homi­cide (4), robbery with rape (2), robbery with mur­der (1), murder homicide (1), double frustrated murder (1) and grave threats, attempted rape with homicide (1) at par­ricide (1).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page