Preso, ‘pag gustong mag-relax.. Hospital pass for sale sa Bilibid
- BULGAR

- Sep 8, 2019
- 1 min read

BUKOD sa nabibiling maagang paglaya, malaking pera rin umano ang nakukuha ng mga opisyal ng Bureau of Correction (BuCor) sa tinatawag na ‘hospital referral official pass’ na iniisyu sa mga inmates para mailipat sa ospital kahit wala namang sakit.
Batay sa ulat, pawang mga bigtime drug lords kasama na ang mga nakapiit sa maximum security compound ang nakalalabas ng kulungan sa pamamagitan nito.
Bukod sa nabibili ang pagkakataon na makalabas mula sa kulungan patungo sa ospital ng Bilibid na mas maluwag, nagkakaroon din umano ng pagkakataon na mailipat ng selda ang preso.
Dodokturin umano ang medical record ng presong nagbayad at ire-request na mailipat ito sa less-congested facility. Mula sa maximum compound, maililipat sila sa medium o sa minimum.
Pagdating sa minimum, may mga empleyado umano na magko-custody na naglalabas sa mga persons deprived of liberty na ito. (BRT)





Comments