top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P80 milyong shabu, natagpuan sa tumaob na speedboat

Jeff Tumbado
Sep 8, 2019
1 min read

NAGULANTANG ang mga awtoridad sa pag­kakadiskubre sa may 10 kilong high grade shabu mula sa tumaob na speedboat sa karagatang sakop ng Zam­bales, kamakalawa ng umaga.

Wala ng crew o tauhan nang marekober ang nasa­bing speedboat habang nasa tabi nito ang dalawang kulay asul na plastic drum na palutang-lutang malapit sa dalam­pa­sigan ng Bgy. Loc-loc, Pa­lauig.

Ayon sa report ng Palauig Municipal Police Station, na­katanggap umano sila ng tawag mula sa ilang residente sa lugar kaugnay sa pagka­katagpo sa nabanggit bangka.

Sinasabing una nang ina­bandona ng crew ang bangka at maging ang karga nito ma­daling-araw pa la­mang ng Biyernes.

Kasama ng Palauig Police ang ilang tauhan ng PNP Maritime Unit at Philippine Coast Guard (PCG) ay tinu­ngo ang lugar kung saan bu­mulaga ang bultu-bultong shabu na nakapaloob sa dalawang malaking plastic drums. Tinatayang nasa P80 milyon ang halaga ng nasabat na droga.

Pormal nang nai-turn­over ang kontrabando sa pa­ngangalaga ng Zambales Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA).

Patuloy naman ang pag­sisiyasat kung saan nagmula ang speedboat ka­sabay na rin sa pagtukoy kung sino ang may-ari nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page