top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga walang paki at tameme sa isyu ng bayan, may kalalagyan sa impiyerno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2019
  • 2 min read

“ANG pinakamainit na bahagi ng impiyerno ay nakalaan sa mga tao na sa panahon ng matinding krisis ay piniling manahimik at walang gawin.” Ito ay bahagi ng akda ni Dante Alighieri na pinamagatang Inferno.

Hindi ang opisyales ng pamahalaan ang nag-ingay at umalma sa sunud-sunod na pagpapalaya sa mga nahatu­lang kriminal sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GTCA) Law.

Napakaraming mamamayan, partiku­lar ang mga magulang ng mga biktima, ang tumutol at ipinaglaban na hindi da­pat makalaya ang napan sa karumal-dumal na krimen na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ang nakagagalit na tanong, bakit libu-libong napan sa karumal-dumal na krimen ang napalaya sa ilalim ni dating BuCor Chief Nicanor Faeldon? Kung hin­di natuklasan ang kontrobersiya, baka mas marami pang napalaya.

Si Faeldon lang ba ang sangkot sa iskandalong ito? Hugas-kamay na ang marami at siyempre, malinaw na may dapat isakripisyo kaya mabilis na nasibak si Faeldon.

Hanggang saan kaya makararating ang imbestigasyon? Sinu-sino pa ang mapatutunayang sangkot sa inabusong batas na GCTA?

Kasabay ng preliminary investigation kaugnay sa ‘pang-aabuso’ sa GCTA, naalala natin ang akda ni Dante Alighieri na Inferno. Ayon dito, nasa ika-9 na bilog (circle) ng impiyerno ang mga abogado, kasama nila sina Satanas, Hudas, Brutus at Cassius.

Taun-taon, tuwing dumarating ang re­view para sa Bar exam, napupuno ang Simbahan sa UP Diliman ng mga mag-aaral ng Law na naghahanda at nagha­hangad na makapasa.

Maraming nagsisimba at dito natin ipinaaalala sa kanila ang ilang sinabi ni Dante. Una, tungkol sa mga walang paki­alam at pangalawa, tungkol sa mga abo­gadong nanganganib mapunta sa ika-9 na bilog ng impiyerno.

Kahit saan tayo magpunta, abogado man o hindi, hindi malayong ‘makaamoy’ tayo ng masangsang na amoy. Ayon kay Papa Francisco, makaaamoy ang lahat ng “sensus fidei”, ang katotohanan ng Diyos at ‘makaaamoy’ din tayo ng mga hindi galing sa Diyos. (Pope Francis, The Church of Mercy, p. 85).

Nakakatakot lamang kung piliin na­ting ‘maamoy’ ang hindi dapat ‘maamoy’ tulad na lamang ng ‘amoy’ na mabilis makilala ng marami, ito ang amoy ng pera na tila kaaya-aya sa pang-amoy ng karamihan — sa loob man o labas ng pamahalaan, korte at kulungan — tila ang amoy ng pera ang pinakamahalaga sa kanila kaya nahihirapang bigyang-halaga ang katotohanan at hustisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page