Lolo, nagbigti sa resort sa Boracay
Pabs Hernandez III
Sep 8, 2019
1 min read
AKLAN — Isang 63-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pinagtatrabahuhan nitong resort kamakalawa sa Bgy. Balabag, Boracay Island.
Kinilala ang biktima na si Andres Ignacio, helper sa resort at residente ng Bgy. Magsikap, Rizal, Occidental Mindoro.
Nabatid na ilang kasamahan sa trabaho ni Ignacio ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa nasabing lugar.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments