top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ka-love team, tablado… Maymay, solo flight na, iniwan sa Ere si Edward

  • Vinia Vivar
  • Sep 8, 2019
  • 1 min read

Ibinalita ni Maymay Entrata na nag-audition daw siya sa New York Fashion Week bilang katuparan ng pangarap niyang maging fashion model.

Pero maliban dito ay wala nang ibinigay na detalye si Maymay dahil nga hindi pa naman daw niya alam kung makakapasa siya.

“Hindi po kasi biro ‘yun, so hindi ko pa po alam kung sakali mang matutuloy ‘yun,” sabi ni Maymay sa mediacon ng Know­ledge Channel ng ABS-CBN.

Matatandaang last year ay rumampa si Maymay sa Arab Fashion Week na talaga na­mang ikinamangha ng lahat.

May bagong show si May­may sa Knowledge Channel titled Puno ng Buhay kung saan ay kasama niya si Khalil Ramos. Dito ay tatalakayin nila ang pag-aalaga sa kalikasan at ating likas na yaman kasama ng Forest Foundation, Phils..

Hindi kasama ni Maymay ang ka-love team niyang si Edward Barber sa nasabing bagong show kaya biniro namin siya na parang mas marami siyang projects kesa sa young actor dahil as we all know ay kasama rin siya sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye.

Pero ani Maymay ay hindi naman niya binibilang ang mga proyekto nila and besides, busy din daw si Edward dahil nag-aaral ito.

Ano ang sabi ni Edward sa kanyang bagong show?

“Masaya po si Edward. Sabi niya, ‘Bakit hindi ako napili? (sabay-tawa).’ Sabi ko, ‘Kasi, Dong, puro Tagalog du’n, mabubulol ka du’n. Sige ka!’ Tapos, sabi niya, ‘O, sige, mag-ano muna ako ng Tagalog, tapos sali na ako d’yan, ha?’

“Pero masaya po si Edward sa akin,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page