top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Setyem­bre 08, 2019 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Sep 8, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEM­BRE 8, 2019 (Linggo): Hihilahin ka ng iyong mga paa sa malayong lugar kung saan makaha­harap mo ang mga su­werte sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumalawak ang sakop ng iyong isip. Ito ay senyales na lalawak din ang mundo mo at ang impluwensiya mo sa mga tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng ku­lay-pink. Tips sa lotto-18-20-24-30-35-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami kang matutu­tunan sa pa­kikinig at sa huli, mas ma­rami ka nang alam sa iyong mga pinakinggan. Gamitin mo ito sa pagpa­palago ng iyong kabuha­yan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang malito kahit napakarami ang puwede mong pagpilian sa por­mula ng tagumpay. Pero hu­wag mong bibita­wan ang nagbi­­gay sa iyo ng maga­gan­dang bagay. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-19-25-26-31-36-45.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag ka agad mani­wala sa maga­gandang panukala. Ang mga pandaraya ay naka­kubli sa inaalok na naka­mamanghang mga bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-27-39-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­kasisilaw ang kislap ng mga alahas. Naka­bubulag ang liwanag. Inga­tan mong masilaw at mabu­lag sa mga pangakong mula sa bibig ng mga mapagsa­mantala sa iyong mga ka­hinaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-18-26-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sobra kang mapag-isip ngayon. Dahil dito, lalagpas ka sa mundo ng reyalidad, binabalaan ka na maa­aring ikaw mis­mo ang mandaya sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-24-34-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang maghahangad na maging ba­hagi ka ng kanilang bu­hay. Huwag kang magulu­han at hayaan mo na sila ang magkagulo. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-21-23-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawa­kan mo nang mahigpit ang iyong sarili. Huwag mong papasukin ang mga ideya kahit sobrang maganda ang mga ito at kahit mula ito sa mga hindi mo na­man talaga kakilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-24-25-33-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lawakan mo ang iyong isipan dahil ma­la­wak ang mundo. Ang tina­tamasa mong magan­dang kalagayan ay puwede pang gumanda. Ito ang mensa­he ng iyong kapa­la­ran. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-23-30-38-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mani­wala sa iba. Sa iyong sarili at sa iyong mga pinagkakatiwalaan ka lang dapat makinig. Naglipana ngayon ang mga mandaraya na nagha­ha­nap ng mabibiktima. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-21-26-30-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aaka­lain ng isang dumikit sa bu­hay mo na maiisahan ka niya. Ang hindi niya alam, sa huli ay mabibihag mo siya at malabong maka­wala siya sa iyong mala­kas at likas na gayuma. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-9-12-25-32-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas ang iyong imahi­nasyon nga­yon. Puwede mo itong ma­gamit sa pagpapaganda ng buhay mo. Iwasan mong mapunta ang iyong ima­hinasyon sa mundo ng ne­gatibo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-16-20-25-28-36-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page