top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ginang, dedbol sa water pump

V. Reyes
Sep 8, 2019
1 min read

NASAWI ang 50-anyos na ginang makaraang makuryente habang nagbobomba ng poso sa Laoag City, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Merly Viada ng nasabing lungsod. Batay sa paunang pagsisiyasat, nag-iigib ang ginang sa nang biglang mangisay ito. Agad umanong binunot mula sa saksakan ang electric water pump na nasa tabi rin ng biktima, ngunit, sa pagkahilo nang makuryente ay natumba ito at tumama ang ulo sa sahig.

Naisugod pa sa ospital ang ginang ngunit, hindi na rin nailigtas pa. Naniniwala ang pamilya ng biktima na maaaring nagkaroon ng short-circuit ang water pump matapos mabasa dahil sa tabi lamang ito ng poso.

Agad inayos ang water pump para hindi na ito makadisgrasyang muli.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page