top of page
Pokwang.jpg

4 sasakyan nagkarambola, 1 patay, 22 sugatan

Levi Gonzales
Sep 8, 2019
1 min read

ISA ang kurpimadong nasawi habang 22 ang su­gatan matapos magkaram­bola ang apat na sasakyan sa Bgy. Angles, Atimonan, Quezon.

Alas-4:40 ng madaling-araw, binabagtas ng AMV Elavil Tourist bus na dala ng sus­pek na si Aldin Madara, 35, ng Bgy. Matoogtoog Mer­ce­dez, Daet, Camarines Norte at patungong Bicol.

Pagpasok sa makur­badang daan, um-overtake umano ito sa isang tricycle.

HIndi nito napansin ang kasalubong na trailer truck na minamaneho ng nasa­wing driver na si Ireneo Abayon, 59, ng Bgy. Malagos Dis­trict, Davao City.

Pinilit pang ikabig paka­nan ng nasabing bus upang makaiwas sa salpukan su­balit, nasapol din ng truck hanggang sa masagi rin nito ang dalawang motorsiklo bago tuluyang pumasok sa isang kabahayan sa lugar.

Bumaligtad naman ang nasabing truck kaya dead-on-the-spot ang driver nito habang sugatan ang mga pa­sahero ng bus at mga pahi­nante ng truck kabilang ang driver ng bus at driver ng mo­torsiklo.

Kinasuhan na sa pu­lisya ang suspek na maha­harap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page