top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-Digong, walang maisip na solusyon sa korupsiyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7, 2019
2 min read

MALINAW na hindi naresolba ni P-Digong ang korupsiyon sa kanyang administrasyon.

Kunsabagay, inamin na niya ito.

Mahalaga ay mulat siya at hindi plastik!

◘◘◘

KUNG kailangan ni P-Digong ang suporta ng publiko kontra illegal drugs, higit na kailangan ang suporta ng mamamayan laban sa korupsiyon.

Kung paano ito gagawin, ‘yan ang problema!

◘◘◘

ANG korupsiyon ay nasa anumang antas ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor.

Meaning, nag-uugat ang krisis at problema sa lipunan dahil sa korupsiyon!

◘◘◘

ANG mga ehekutibo mula barangay hanggang sa Malacañang ay malinaw na korup.

Mula sa barangay council, Kamara hanggang sa Senado, may korupsiyon sapagkat sila ang gumagawa ng batas, pero sila ay nabibiyayaan ng “pork barrel” na itinatago sa teknikalidad at proseso.

Alam ng lahat na “buwaya” ang mga mambabatas at kahit si P-Digong, kinumpirma niya ito sa SONA, “Kapag natabunan tayo ng gusali sakaling lumindol ngayon, tapos ang korupsiyon sa pamahalaan.”

Alam ni P-Digong ang problema, pero hindi niya matukoy ang tiyak na solusyon kaya kailangang makipagtulungan ang publiko!

◘◘◘

HINDI lang sa Pilipinas laganap ang korupsiyon kundi maging sa iba pang bansa.

Hindi lang ang demokratikong gobyerno ang sangkot sa korupsiyon, bagkus, maging ang sosyalista at komunistang bansa.

Ang mga relihiyon ay may doktrina at dogma kontra korupsiyon, pero hindi pa rin ito nareresolba!

◘◘◘

KUMBAGA sa kumpisal, kailangang mamulat ka at aminin mo ang kasalanan upang ikaw ay mapatawad at magawa mong pigilin ang pagiging makasalanan.

Ganyan din ang pagresolba sa korupsiyon, kailangang mamulat tayo, aminin natin at tukuyin natin ito upang magkaroon tayo ng solusyon!

◘◘◘

WALANG anghel sa lupa, walang banal dito — maging ang Santo Papa, hindi nakaliligtas sa kasalanan sapagkat siya ay pisikal na tao lamang.

Kakambal ng pagiging tao ang kasalanan at korupsiyon.

Gayunman, kailangang maresolba at mapigil ito, ‘yan mismo ang mithiin kung ano ang tunay na “kahulugan ng buhay”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page