Nasa fastfood chain.. Lawyer binaril sa ulo, todas
- Levi Gonzales
- Sep 7, 2019
- 1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang abogado matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. San Roque, Antipolo City, Rizal.
Alas-11:50 ng umaga habang nasa loob ng fastfood chain at abala sa pagkain ang biktimang si Atty. Irineo Michael Cabugoy, 73, kasama ang ilang kaanak nang lumapit ang suspek.
Agad siyang binaril nang malapitan sa ulo bago tumakas ang salarin. Inaalam pa kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng salarin.





Comments