top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magpinsan, 3 pa timbog sa droga

  • Maeng Santos
  • Sep 7, 2019
  • 1 min read

LIMA katao kabilang ang magpinsan na umano’y notoryus na tulak ng iligal na droga ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-8:20 ng Huwebes ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation sa Sampaguita St., Bgy. 156, Bagong Barrio na nagresulta sa pagkakaaresto kina Louisjhin Torres, 39, at Mark Gray Torres, 34, kapwa nasa drug watchlist ng pulisya.

Narekober sa mga suspek ang dalawang sachets ng shabu at P200 buy-bust money.

Alas-11:50 naman ng gabi nang madamba rin ng mga operatiba ng SDEU at PCP-4 sa pangunguna nina P/Capt. Cabildo at P/Maj. Rengie Deimos si Simon Coronel alyas Moymoy, 20, sa buy-bust operation sa Bgy. 188, Tala at narekober sa kanya ang P200 buy-bust money, P100 bill at dalawang sachets ng shabu.

Timbog din ang kanyang parukyano na sina Ferdinand Milana, 50, at Michael Santosidad, 32, nang maaktuhang nagsa-shabu at narekober sa mga ito ang dalawang bukas na sachets na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page