top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Horoscope | Setyem­bre 07, 2019 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Sep 7, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEMBRE 7, 2019 (Sabado): Kasabay ng pagyaman mo ay ang paglakas ng karisma mo. Ingatan mong maakit sa iyo ang mga puwedeng mag­­pa­­bagsak sa kabuhayan mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ka ngayon dahil ang madikit sa iyo, susunod sa mga kagus­tuhan mo. Makikitang ikaw ang pag-asa ng mga hindi kayang magpaunlad ng kanilang sarili. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-18-29-30-35-42-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka! Muling ibi­nalik ng langit ang masusuwerteng mga araw mo kung kailan mag­daragsaan sa buhay mo ang magagandang kapala­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-4-17-25-31-32-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Mapapansin mong magba­ba­likan ang mga tukso sa iyong hara­pan. Huwag mong kali­mu­tan na ang tukso ay nakasisira ng kapalaran at ang inspirasyon ay nag­papaganda ng diskarte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-26-28-36-44.

CANCER (June 21-July 22) - Ka­kaibang sigla ang iyong ma­­darama. Ito ay malinaw na palatandaan na nasasagap mo ang nag­daratingang malalaking su­werte sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-24-28-33-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gu­guhit sa kapa­laran mo ang nakamamang­hang karanasan kung saan sa biglang tingin ay bag­sak ka na pero, himalang ikaw ay aangat nang a­angat. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-5-14-22-29-38-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simple lang ang sikreto kung pa­ano ka bubu­we­nasin. Ito ay nagsasabing, ang masayang pakikipag­relasyon ang magdadala sa iyo ng nakagugulat na mga suwerte sa buhay. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-34-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simulan ang matagal mo nang balak na magnegosyo. Ayon sa iyong kapalaran, kung makapag­sisimula ka, magtutuluy-tuloy ang iyong pagyaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-16-25-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtapon ka ng mga hindi mo na kaila­ngan. Kumbaga, magbawas ka ng mga hindi na napa­kikinabangan. Sa ganito, papasok sa buhay mo ang mga bagong pakikipagsa­palaran. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-12-13-30-35-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang piliin mo. Hindi ito gabay ng kapalaran at ito ay tiyak na mangyayari. Ito rin ay hinding-hindi mo pag­sisisihan. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-3-19-21-25-27-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gaganda ang buhay-pag-ibig mo. Huwag mong pansinin ang mga kontrabida at mapagha­nap ng kapintasan dahil sa­rili mo ang buhay mo. Wala si­lang pakialam. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-17-18-21-27-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo aasikasuhin ang ilang ba­gay kahit ang mga ito ay mahalaga dahil pagtutu­unan mo ng lakas, isip at oras ay ang idinidikta ng iyong puso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-21-24-31-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makulay ang iyong buhay ngayon at sa mga susunod pang araw. Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran at ma­­susumpungan mo ang iyong sarili na nasa kali­ga­ya­­han. Masuwer­teng ku­lay-yel­low. Tips sa lotto-10-14-24-26-34-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page