9.8 milyong pinoy, tambay
- V. Reyes
- Sep 7, 2019
- 1 min read

UMAABOT na sa mahigit 9.8 milyong Pilipino na nasa hustong gulang ang naitalang walang trabaho sa ikalawang bahagi ng 2019.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 22 hanggang 26. Ayon sa survey, tumaas sa 20.7% ang adult joblessness rate noong Hunyo kumpara sa 19.7% o 9.4 milyon noong Marso ng kasalukuyang taon.
Ang adult joblessness ay ang mga indibidwal na naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, ang mga boluntaryong umalis sa kanilang trabaho at ang mga natanggal sa trabaho dahil sa problema ng ekonomiya.
Aabot sa 1,200 adults o may edad na 18 pataas sa buong bansa ang tinanong para sa nasabing survey.





Comments