top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

7 patay sa sunog

Levi Gonzales / Mylene Alfonso
Sep 7, 2019
1 min read

PITO ang nasawi sa sunog sa magkahiwalay na insidente sa Laguna at Maynila.

Apat ang kumpirmadong patay matapos sumiklab ang sunog sa Blk. 14, Lot 33, Dalandan St., Millwood Subd., Bgy. Pulo, Cabuyao City, Laguna, ala-1:45 ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Baldomero Gayol, 54, insurance agent, misis na si Jennifer, 47, anak nilang si Rommel, 27, at apong si Sofia Arabella, 8.

Mabilis na nilamon ng apoy ang kanilang bahay kung saan natagpuan ang kanilang labi sa ikalawang palapag ng palikuran.

Posible umanong nahirapang huminga ang mga ito dulot ng makapal na usok.

Sa initial report ng Bureau of Fire Protection, posibleng napabayaang nakasaksak na isa sa kanilang appliances ang naging sanhi ng insidente. Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon.

Samantala, patay din ang tatlo katao na kinabibilangan ng isang lola at dalawang bata makaraang ma-trap sa sunog sa isang residential area sa Paco, Manila.

Kinilala ni Rae Sumedca ng Manila Fire District, ang mga biktima na sina Veronica Lopez, 74; Jamila Erich Miranda, 2, at Don France Anco, 7. Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-12:30 ng tanghali nang magsimula ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Cristobal St., Paco, na itinaas sa unang alarma.

Nabatid na dalawang bahay na may walong kuwarto na paupahan umano ang tinupok at nasa 15 pamilya ang nawalan ng bahay at mga ari-arian. Inaalam naman ng arson ang sanhi ng sunog at ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page