Utos ni P-Digong sa DA at NFA.. Palay ng mga magsasaka, bilhin sa tamang halaga
- Mylene Alfonso
- Sep 6, 2019
- 1 min read

PINAKILOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa tamang halaga dahil sa epekto ng Rice Tariffication Law.
Ito ay makaraang umalma ang mga magsasaka na bumagsak na ang presyo ng palay sa P7 kada kilo kumpara sa P21 kada kilo noong hindi pa ipinatutupad ang Rice Tariffication Law.
Sinabi ng pangulo na hindi na baleng malugi ang gobyerno basta siguraduhing matutulungan ang mga magsasaka.
Gayunman, apela ng pangulo sa mga magsasaka, tiyakin lamang na magiging reasonable ang presyo ng mga ibibenta nilang palay.
“But you cannot demand a price, you arrive at a compromise of how much you are willing to lose a little bit. Tapatan lang, basta hindi malugi ang pagod nila, they are compensated but do not demand a price that is unreasonable,” wika pa ni Pangulong Duterte.
Idinepensa rin ng Punong Ehekutibo ang nilagdaang Rice Tariffication Law dahil kailangan umanong isaalang-alang ang kapakanan ng higit na nakararami.





Comments