Suko o nanlaban kaya napatay ,banta sa mga lumayang preso
- BULGAR

- Sep 6, 2019
- 2 min read
P-DUTERTE “NAPUNO NA ANG SALOP” KAYA SINIBAK SI FAELDON —Sinibak na ni P-Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
May punto talagang “mapuno ang salop” ni P-Duterte kay Faeldon kasi malaking sablay ang ginawa nitong paggamit sa batas na GCTA (Good Conduct Time Allowance) para palayain ang mga convicted murderers, rapists, drug lords o mapeperang kriminal na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen, period!
◘◘◘
MGA PRESONG NAKALAYA SA GCTA, DAPAT SUMURENDER. BAKA KASI M A B A L I TANG ‘NANLABAN’ SILA KAYA NAPATAY— Binigyan ng 15 araw ni P-Duterte ang mga presong nakalaya sa ilalim ng GCTA na sumuko sa pamahalaan at ang sinuman daw na susuway ay ituturing na pugante at ipaha-hunting niya sa mga awtoridad.
Kaya sa mga presong nakalaya sa ilalim ng GCTA, dapat sumuko na sila kung ayaw nilang mabalitang “nanlaban” kaya napatay, boom!
◘◘◘
SABLAY ANG KUWENTADA NG TROPANG FAELDON SA SENTENSIYA KAY SANCHEZ—Sablay ang kuwentada ng grupo ni Faeldon sa sentensiya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted rapist at murderer kaya muntik na itong makalaya sa pamamagitan ng batas na GCTA.
Ang hatol ng korte kay Sanchez ay pitong habambuhay na pagkabilanggo o 280 years imprisonment at hindi 40 years na siyang ginamit na batayan ng tropang Faeldon para mabigyan ito ng GCTA, buwisit!
◘◘◘
MGA GAMBLING LORDS IPAPA-TOKHANG’ NI P-DUTERTE— Binalaan ni P-Duterte ang mga gambling lords na nag-ooperate ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na huwag dayain sa buwis ang gobyerno dahil malilintikan daw ang mga ito sa kanya.
Kumbaga, parang sinabi na rin ng pangulo na “tokhang” ang aabutin ng mga gambling lords na hindi magbabayad ng tamang buwis sa gobyerno, boom!





Comments