top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pulis binentahan.. Mag-live-in partner kulong sa shabu

Maeng Santos
Sep 6, 2019
1 min read

TIKLO ang mag-live-in partner na kapwa umano tulak ng iligal na droga matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Carlito Gueco alyas Lito, 50, at Eloisa Tolores, 48, kapwa ng Sangandaan, Caloocan City.

Ayon kay Col. Tamayao, ala-1:30 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan at CAMANAVA-PDEA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Pacencia St., Bgy. Tugatog.

Nakaiskor sa mga suspek ng isang sachet ng shabu ang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer at nang magkaabutan, agad sinunggaban ang mag-live-in partner.

Ani SDEU Investigator PSSg. Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang 32 sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page