Pormang lalaki na pero sa CR ng babae pa rin… Hirit ni Jake: kung 'di sila komportable, '

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

SPEAKING of Jake Zyrus, natanong ang singer kung gusto pa rin ba niyang ipagpatuloy ang naudlot na acting career. Nakapagdrama na si Jake sa Maalaala Mo Kaya at lumabas din sa Hollywood musical show na Glee.
“Hindi ko alam kung meron akong skill sa action and sa acting kasi sabi ko, kung ako’y mag-a-acting ulit, gusto ko horror, eh, gusto ko some sort of psychological film,” paliwanag ni Jake.
Kung papapiliin daw siya ng magiging leading lady ay hindi naman siya magiging picky basta ka-height niyang 5’1”.
Hirit niya, “Hindi naman ako masyadong picky. Ako pa ba pi-picky? Susmaryosep.”
Para kay Jake, mas gusto niyang makapareha ang mas mature na babae.
“Actually, isa ‘yan sa mga goals ko: to be able to be paired with someone [more] mature than me,” aniya.
Dito na nabanggit ni Jake ang name ng magaling na aktres na si Eula Valdez.
Kuwento niya, “Nu’ng bata po ako, sobrang hinahangaan ko is Eula Valdez.
“Kasi nu’ng bata ‘pag nagagalit siya, umiiyak talaga ako. Takot na takot ako sa kanya, but at the same time, she has that feistiness and sexiness in her.
“Sobrang ina-admire ko ‘yun.”
Dagdag pa niya, “At saka si Ma’am Cherie Gil. Mga ganoong aura ang gusto ko.”





Comments