Pinalayang convicts, banta sa publiko

MAITUTURING na potential threats o banta sa lipunan ang mga pinalayang convicted sa mga karumal-dumal na krimen.
Ayon kay Sen. ‘Bong’ Go, suportado nito ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ipaaresto ang mga presong lumaya dahil sa maling aplikasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Aniya, ang muling pag-aresto sa mga ito ay isang mahalagang hakbang upang maitama ang mga pagkakamaling nagawa ng prison authorities at upang maprotektahan ang mamamayan laban sa mga taong maaari pa ring maikonsiderang banta.
Nauna rito, sinibak ni Pangulong Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) Director Undersecretary Nicanor Faeldon kaugnay sa isyu.
Samantala, inihain naman ng mambabatas ang Senate Bill No. 1003 na naglalayong amyendahan ang Revised Penal Code na binago ng RA No. 10592. Iminungkahing isa-isang tukuyin ang naturang heinous crimes at itinatakda na ang pagpapalaya sa mga bilanggo, base sa time allowance ay dapat ding rebyuhin muna ng Department of Justice (DOJ).





Comments