top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Panelo: dagdag-sentensiya kay Sanchez

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 6, 2019
1 min read

NAPAKAHIRAP siguro para sa pamilya ng dalawang UPLB students na biktima ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez ang marinig mula sa pamilya ng dating alkalde na wala umano silang balak o planong bayaran ang P12.6 milyon bilang danyos dahil naniniwala umano ang pamilya na inosente ito sa kaso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung hindi mababayaran ang danyos sa mga pamilya ng biktima, baka madagdagan pa ang sentensiya ni Sanchez.

Sa tingin natin, dahil sa kontrober­siyang ito, dapat na talagang baguhin ang sistema ng hustisya sa bansa, partikular sa mga akusado na sangkot sa karumal-dumal na krimen.

◘◘◘

Nagsalita na si Pangulong Rodri­go Duterte tungkol sa pagpapalaya sa libu-libong convicted murderers, rapists at drug lords kaugnay sa batas na nagpapababa sa sen­tensiya ng mga akusado o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Utos ng pangulo, kusang sumuko at bumalik na raw sa bilangguan ang mga convicted criminals para tapusin ang kanilang sentensiya.

Kapag hindi raw sumuko ang mga ito, pugante na ang trato sa kanila. Binigyan lamang ng 15 araw ang mga ito para sumuko kundi maglalagay na ng P1 milyong pabuya para sa bawat presong pinalaya, buhay man o patay.

Napakalaking sakit sa ulo talaga para sa kasalukuyang administrasyon ang iskandalong ito. Kaugnay nito, dapat sigurong imbestigahan na rin ang nangyaring pagpapalaya sa mga convicted criminals sa mga nakaraang pamumuno sa Bureau of Corrections (BuCor), partikular sa panunungkulan noon ni Sen. Ronald dela Rosa na umaming mahigit 100 convicted criminals ang pinalaya sa ilalim ng GCTA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page