top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Misis nireyp ng kapitbahay

Levi Gonzales
Sep 6, 2019
1 min read

NAGSAMPA ng ka­song panggagahasa ang isang misis laban sa kanyang ka­pit­bahay matapos siyang ga­­hasain sa loob ng kanyang silid sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa salaysay ng bik­timang si alyas Mely, 54, alas-12:40 ng hatinggabi, nang magising ito matapos may tu­mutok sa kanya ng pata­lim.

Nakilala nito ang sus­pek na si alyas Jhonny, 36, kung saan pinagbantaan nito ang kanyang buhay kung hindi susunod sa kagustuhan ng suspek.

Pinagsamantalahan uma­no siya nito bago tumakas at muli siya pinagbantaang pa­patayin kung magsusum­bong kaninuman.

Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote ang sus­pek at sa kasalukuyan ay na­kapiit ito sa kanilang him­pi­lan.

Napag-alamang hiwalay sa asawa ang biktima at anak na babae ang kasama sa ba­hay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page