top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Madatung na naman daw kaya todo-dikit sa kanya…Osang sa mga kamag-anak: 'wag n'yo kong gawin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2019
  • 3 min read

Sikreto pa muna ang karakter ni Rosanna Roces sa bagong daytime drama series na Pamilya Ko ng ABS-CBN. Sa ika-fifth week pa raw kasi siya lalabas sa serye.

Natuwa si Osang (pet name ni Rosanna) nu’ng malaman niya na personal choice siya ng isa sa mga lead stars ng Pamilya Ko na si Sylvia Sanchez para gumanap sa kanyang role sa drama series na pinamamahalaan ni Direk Ruel S. Bayani.

“Although, masakit sa akin na iwan ‘yung Los Bastardos. Pero kung titingnan mo, magtatapos na sila. At least ako, naka­talon na. Ang Pasko ko, sure na, ‘yung ganu’n,” lahad ni Osang.

Thankful siya na hawak din ni Direk Ruel ang Pamilya Ko gaya ng Los Bastardos.

“‘Yung ginawa niya kay JM, ginawa niya sa akin. Binigyan niya kami ng pagkakataon kahit na nalulong kami sa kung anu-anong katarantaduhan. At sabi nga niya, ‘‘Yung mga g*go na ‘yan, kapag pinagbigyan mo ‘yan, mas gagalingan nila.’”

True naman daw ‘yun, ayon pa kay Osang. Kaya nagtutulungan din sila ni JM na bantayan ang isa’t isa para makaiwas sa “tukso.”

Since tungkol sa pamilya ang bagong serye ni Osang, kinumusta namin ang kanyang mga anak na sina Grace at Onyok Adriano.

“Naku, mabuti nga, hindi ako tinanong (sa Q&A sa presscon), kasi, ‘di ba? Si Grace, close kami dahil ‘yung apo ko, si Maja, ako ang caretaker noon. Ngayong Friday, nasa akin ‘yun ngayon.”

Ang huling balita na nakarelas­yon ni Grace ay isang Arabo. La­king-pasalamat niya na hindi nagpakasal si Grace ru’n sa Arabo.

“Oo, hindi na bumalik ‘yung Arabo. Sabi ko nga, okey lang. Ang importante, nandito ako.”

Kahit ano’ng mangyari sa anak, nandiyan lang palagi ang magulang na gaya niya para kay Grace.

“Pero ‘yung isa, ‘yung naku-ers (nakuha) ng kabilang show, na binayaran ng beinte (P20,000) para siraan ang sariling ina niya, hindi ko na kinakausap,” galit na sabi niya.

Ang tinutukoy ni Osang na isa pang anak niya ay walang iba kundi ang bunso niyang si Onyok.

Nagkaroon ng matinding hidwaan ang mag-ina nu’ng paratangan ni Onyok si Osang na patuloy sa paggamit ng ipinag­babawal na gamot, paglustay sa kanyang pera at pagtutol sa kinakasama niya during his interview sa dating talk show ng GMA-7 na Startalk.

“Kailangang tablahin ko ang mga taong kailangan kong tablahin. Kahit anak pa kita, kung nakakasakit ka na sa akin masyado at kung masisira ang buhay ko dahil sa sakit na ibinibigay mo, eh, kailangan kitang (tablahin).”

Naglabas din ng damdamin si Rosanna tungkol sa kanyang mga kamag-anak.

“Isa pa ‘yun,” gigil na sabi niya.

“Nauulit muli ‘yung nangyari (noon) ngayon. Ang dami ko na namang tinablang kamag-anak ko kasi mukha na naman akong ATM sa paningin nila. Busy na naman kasi ako.”

Nu’ng panahon daw na walang-wala siya, nawalan din siya ng mga kamag-anak.

“Ngayong nandito na naman ako, nan­d’yan na naman sila. Tapos, parang hindi nila iniisip na may sarili akong buhay na, alam mo ‘yung (tumigil siya sandali at kinagat ang kanyang labi), noon talagang wala akong problema, napakarami kong pera. So, tulong, tulong, tulong. Pero isipin din nila nu’ng nawalan ako, wala rin naman silang naitulong sa akin. So, ngayon, tutulungan ko muna ang sarili ko.”

Noon daw ay parang ginagawa siyang ATM ng kanyang mga kamag-anak.

“Tabla-tabla talaga. Siguro naman, itong nakasama ko, itong pamilya ko, siguro naman, kung may utang na loob sa kanila, bayad na. Bayad na, may sukli pa.”

Naloloka raw kasi si Osang kapag may problema ang mga kamag-anak niya at natulungan niya ay siya ang bida.

“Pero kapag sila ang nag-reunion, wala man lang akong imbitasyon. Alam mo ‘yung ganu’n?”

Si Grace at anak na lang daw nito na si Maja ang pagtutuunan niya ng oras.

“Kasi gaya ng anak ni Grace na si Maja, napakatalino. Ako talaga ang nagpapaaral. Gusto ko siyang makapag­tapos ng pag-aaral. Gusto ko, matanggal ‘yung sumpa sa pamilya namin, ‘yung maagang nagbubuntis at na­papariwa. Kailangang matigil ko ‘yun.”

Fourteen years old na ang panganay na anak nina Grace at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na si Gab, habang sampung taon naman si Maja na anak ni Grace sa isang Arabo.

“Nakakatuwa, kasi nakikita ko sila na lumalaki na napakabuting tao. Okey na ‘yun sa akin. Wala akong masasabing pangit.”

Sa tanong kung nakakasama pa ba niya ang apo kina Grace at Jolo, sagot ni Osang, “Hindi, eh. May pag-aaral din siya na kailangan niyang tapusin doon. ‘Yun lang naman ang hiling ko kay (Senator) Bong (Revilla, Jolo’s father), paaralin niya sa ma­gandang paaralan. Naloloko lang sa basketball ngayon. Pero okey na ‘yun, kesa sa iba pa maloko.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page