top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

GM norm, pangarap ng musmos na si Racasa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2019
  • 1 min read

PANGARAP ni Anto­nella Berthe Racasa na ma­kuha ang record bilang pina­kabatang woman Grandmaster. Hawak ni WGM Hou Yifan ng China ang record bilang pinakabatang grandmaster sa 14 years, six months at two days. “Ang target ko po ay malagpasan ‘yung world record ni WGM Hou Yifan ng China. ‘Yan po talaga ang pangarap ko,” pahayag ni Racasa sa 38th edition ng TOPS sa NPC, Intramuros.

Ang 12-anyos na si Ra­casa ay kadarating lang mula sa matagumpay na kam­panya sa World Cadets Chess Championships sa Shandong, China kung saan nagtapos siya sa 14th place. “Magagaling din po ang mga kalaban ko sa World Cadets, lalo na ang mga Russians, na very intimidating po talaga, “dagdag pa ni Racasa sa lingguhang sports forum na suportado rin ng Community Basketball Association (CBA). “Pero ginawa ko po talaga ang aking makakaya para ma­ka­­pagbigay ng karangalan sa bansa,” dagdag ni Racasa, na nagsimulang maglaro ng chess noong 2016.

“Nagte-training po ako mula 3-4 oras araw-araw. Pero paminsan-minsan po ay may mga hobbies din ako, gaya ng pag-bake,” pali­wanag pa ni Racasa, na sina­mahan sa forum ng amang si Roberto Racasa at coach Efren Bagamasbad. Saman­tala, nanawagan si Racasa ng tulong mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang tulungan itaguyod ang kampanya ng kanyang anak. “Masigasig talaga si Antonella na makamit ang kanyang mga pangarap. Si Wesley So ay 12-anyos noong nang maging FIDE Master. Si Antonella ay 11 years old. Sana masupor­tahan din natin siya,” sabi ng amang si Racasa. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page