Estudyante pinerahan, fixer sa iskul timbog

TIMBOG ang 50-anyos na fixer nang tangkain umanong kikilan ng P11,000 ang estudyante na gustong makapasok sa Unibersidad de Manila upang maging Grade 11 student.
Ipinrisinta ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga mamamahayag ang suspek na si Celso Dimanlig y Salazar na naaresto sa Paco, Manila.
“Kaya itinatag ang UdM ay para makapagbigay ang pamahalaan ng pagkakataon sa mga bata na mahihirap na makapag-aral,” ani Moreno.
Naaresto si Dimanlig ng mga tauhan ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team noong Martes ng hapon matapos magsampa ng reklamo ang ina ng bata.
“Ano namang uri ng tao ito? Libre naman ang PLM, UdM. All they have to do is pass the exam,” ayon kay Moreno.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 293 (robbery extortion) at Article 315 (swindling or estafa) Revised Penal Code sa Manila Prosecutor's Office ang suspek.





Comments