top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Balak magtapat sa babae sa mismong birthday, maba-busted lang

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 6, 2019
3 min read

Katanungan

  1. May kasamahan ako sa office, magkaiba kami ng departamento pero lagi kaming nagtatawagan, magka-chat at magkasabay tuwing uwian. Magaan ang loob ko sa kanya at ganundin siya sa akin. Wala pa siyang boyfriend at masasabi kong mag-bestfriend na kami ngayon. Ikinukuwento niya sa akin ang past niya at mga kasalukuyang nanliligaw sa kanya habang ganun­din ako sa kanya kung saan naise-share ko sa kanya ang ilang personal na bagay tungkol sa akin. Minsan, humihingi siya sa akin ng advice at sinusunod naman niya ‘yung mga ipinapayo ko sa kanya.

  2. Feeling ko, magka-compatible kami at lagi kaming masaya kapag magkasama kami. Sa birthday ko sa September 15, balak kong magtapat sa kanya ng pag-ibig dahil habang tumatagal ay pakiramdam kong mahal ko na siya. Kung magtatapat ako sa kanya, tama kaya ang timing na sa birthday ko ito gagawin?

  3. Siya na kaya ang magiging first girlfriend ko at kung susuwertehin, kami na kaya ang magkakatulu­an? Tawagin natin siyang Althea dahil ‘yun ang ba­lak kong ipangalan sa ma­giging first baby namin.

Kasagutan

  1. Sabi nila, hindi porke madalas mong ka-chat, ka­usap sa te­lepono, kasama sa mga lakad o ka-text ay may gusto na siya sa iyo. Oo, may­­­roon talagang mga babaeng paasa at ikaw naman ay assu­ming!

  2. Dagdag pa rito, mayroong mga babae na friendly at may pagka-flirt na kada­lasan ay pinaghihinalaan ng lalaki na may gusto sa kanya kahit wala naman talaga.

  3. Posibleng hindi nalalayo riyan ang kaibigan mong si Althea kung saan sa kasalukuyan ay maaaring nami-misin­terpret mo ang magandang trato o ugali na ipinakikita niya sa iyo. Kaya sa sandaling magtapat ka ng pag-ibig sa kanya at sabi mo ay itatapat mo pa sa iyong kaarawan, tulad ng si­­nasabi ng maliit na bilog na bahagya pang napatid na Heart Line (Drawing A. h-h arrow a.) sa kaliwa mong palad, ma­lamang na biguin ka lang niya. Ang kabiguang nabanggit ay itatala bilang unang pagka-busted na hinding-hindi mo ma­kalilimutan kahit kailan. Ang inaasahan mong sagot niya na “mahal na rin kita” ay hindi mo maririnig dahil “mas ma­bu­ting maging magkaibigan na lang tayo” ang isasagot niya sa iyo.

  4. Kaya ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay kung anuman ang ipinakikita sa iyong kabutihan at magandang samahan ninyo ni Althea, huwag mo na itong bulabugin pa. Sa ibang salita, huwag mo itong bigyang-pansin o bigyan ng malisya, sa halip, makisakay ka na lang din nang makisakay sa ipinakikita niya. Ituloy mo ang pagiging magka-close ninyo, ang pagiging mabait mo sa kanya at ang pagiging mag-best- friend ninyo. Sa ganitong paraan, kapag iniwasan mong magtanong at magsabi, lalong made-develop ang friendship ninyo at habambuhay na kayong magiging maligaya.

  5. Hayaan mong siya ang kusang magkagusto at magmahal sa iyo. Sa ganyang paraan, matututunan mong maghintay ng tamang panahon kung saan hindi ka mabibigo, sa halip, maa­aring magkaroon ka ng maligaya at romantikong pakikipag­relasyon sa bestfriend mong si Althea (Drawing B. h-h arrow b.).

Mga Dapat Gawin

  1. Ayon sa iyong mga datos, Mr. Virgo, hindi pa ngayon ang panahon para magtapat ng pag-ibig sa babaeng sinasabi mo dahil kung gagawin mo ‘yan sa darating na kaarawan mo, kahit sabihin pang birthday mo ang petsang sinabi, maba-busted ka lang.

  2. Samantala, kung ipagpapaliban mo pa nang ilang buwan, siguradong darating ang saktong panahon na kahit hindi ka magtapat, walang kahirap-hirap, kusa nang mabubuo ang mainit at romantikong relasyon sa panahong ito na unti-unti nang nalalapit ang kapaskuhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page