Asset ng militar niratrat, utas

PATAY ang umano’y asset ng militar nang pagbabarilin sa Bgy. Calindangan, Dumaguete City.
Kinilala ang biktima na si Lori de Jesus, 40, sinasabing informant ng Military Intelligence Group (MIG) sa Central Visayas.
Sapol din ang kasama nitong si Mark Anthony Booc, 39.
Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office, alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang pasukin ng armadong grupo ang bahay ni De Jesus sa nabanggit na lugar at agad siyang pinuntirya.
Matapos bumulagta si De Jesus ay sunod na pinagbabaril si Booc bago tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.
Nakuha ng mga tauhan ng NOPPO-Scene of the Crime Operatives ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.
Nabatid pa sa report na may narekober pa ang pulisya na ilang pirasong sachets na naglalaman ng shabu at ilang drug paraphernalias.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen.





Comments