top of page
Pokwang.jpg

Ang hirap ng paulit-ulit Ni: Tinley Canonigo

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 6, 2019
1 min read

Hindi ko alam kung totoo pa, hindi ko alam kung itutuloy ko pa, kasi para sa‘kin may hindi na tama

sa mga kilos mo’t pananalita.

Ilang beses kitang inunawa.

Ilang beses ko ring pinaking­-gan ang iyong mga salita.

Pero anong napala ko?

‘Yung pilit kong binubuo, sinisira mo.

Anong problema mo?

Puwede bang pag-usapan natin ‘to?

Nasisira tayo dahil sa mga lihim mo.

Gusto ko lang naman na maging masaya tayo.

Alam kong ito rin ang gusto mo, ngunit, mukhang mali ang inaakala ko.

Mga away nating paulit-ulit,

sana’y maitanong mo sa sarili mo kung bakit.

Pabalik-balik lang din ang sakit, pero patuloy pa rin akong nakakapit.

Nakakapit dahil alam kong may magbabago at mananatili ako sa tabi mo.

Hanggang kailan ako mananatili sa tabi mo?

Hanggang kailan ako kakapit sa relasyong ito?

Hanggang kailan ko dapat kayanin ang lahat ng ito?

Isang kahibangan nalang ba ito?

Sana nama’y sabihin mo para hindi ako nagmumukhang tanga rito

Sana pahalagahan mo ako

tulad ng pagpapahalaga ko sa‘yo.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page