top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Princess eowyn

Ding Taboy
Sep 5, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

PITONG mananakbo na pawang mga kababaihan ang maglalaban sa 2019 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite sa Set.15, 2019.

Ang mga kalahok ay pa­ngungunahan ng Cerveza Rosas, Doktora, El Debarge, Good Voyage, Heiress Of Hope, Princess Eowyn at Trust Me. May nakalaang P1.2-M sa kampeon, ha­bang tatanggap ng P450,000 ang 2nd place, mapupunta ang halagang P250,000 sa 3rd place at may P100,000 ang 4th place.

Samantala, hahataw ang “Additional One Win in Group Races” na kapapa­loo­ban ng 7 karera na ma­ga­ganap sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI), Malvar, Batangas ng dakong 6:30 p.m.

Sa Race 1 kasabay ng Winner-Take-All (WTA), Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six pinapaboran ang Mellifluous at mag­sisilbing kalaban ang La Car­mona, Couple entry na Princess Via at Kid Alecko at Kusing.

Nakalalamang ang couple entry na Cats Dream at Courageous habang ang Yes All Wee Bet at Professor Jones ang tatalo sa pagtakbo ng Race 2 kasabay ng Pick 6. Sa Race 3, na simula ng Pick 5, pinapaboran ang Sense Of Rhythm at mag­sisilbing kalaban ang couple entry na Dangerous Willie at Luyang Cave susubukan ang Hold Me Tight Baby. Sa Race 4 ang Pick 4, pinapa­boran ang TaranasaKalyos at Musikera ang tatalo.

Nakalalamang ang Ar­tistic Star habang ang Ma­rino Ng Tanglaw at Kid Ken­shin ang makakalaban sa Race 5. Sa Race 6, la­mang ang Magic Square kontra sa mga kalaban na Laughing Tiger, Coper­nicus, Wild Talk at Absolute­resistance.

Ipinapatok ang Ginuhit ng Tadhana habang magla­laban sa Forecast ang Ace Up, Crystal Creek, Miss Thrifty at Hold On na pa­rating ng WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Tip ni Mang Ding

Race 1-Mellifluous (6) Kusing (2) Race 2- Entry No.1 Yes All Wee Bet (3) Race 3-Hold Me Tight Baby (1) Sense of Rhythm (4) Race 4- TaranasaKalyos (6) Musikera (1) Race 5- Artis­tic Star (5) Marino Ng Tang­law (1) Race 6- Magic Square (6) Copernicus (2) Race 7- Ginuhit ng Tadhana (4) Ace Up (3) WTA(1-7) 6-3/1-3-7/1-4-6/6-1/5-1/2-6-7/4/ Pick 6 (2-7) 1-3-7/1-4-6/6-1/5-1/2-6-7/4/ Pick 5 (3-7) 1-4-6/6-1/5-1/2-6-7/4/ Pick 4(4-7) 6-1/5-1/2-6-7/4

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page