Most wanted, tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Sep 5, 2019
1 min read
CEBU—Patay ang isang most wanted criminal nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Sangat, San Fernando.
Ang suspek ay kinilalang si Jessie Harold Manugas, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Manugas kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments