Misis ni sanchez, ayaw magbayad ng P12.6 milyong danyos sa pamilya ng mga biktima
- BULGAR

- Sep 5, 2019
- 2 min read
MISIS NI EX-MAYOR SANCHEZ, BAD! — Sa Senate hearing ay tinanong ni Sen. Franklin Drilon si Elvira Sanchez, misis ni Mayor Antonio Sanchez na convicted rapist at murderer, kung nabayaran na nila ang ipinataw ng korte na P12.6 million bilang danyos sa pamilya ng mga biktimang sina Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez at ang tugon dito ng asawa ng dating alkalde, wala raw silang planong magbayad dahil wala namang kasalanan at inosente raw sa kaso ang kanyang mister.
Ang sama pala ng misis ni Sanchez kasi ayaw na nilang magbayad ng danyos, eh, gumagamit pa ng impluwensiya para makalaya ang mister niyang rapist at murderer, buwisit!
◘◘◘
KAPAG SINIBAK SI FAELDON, HUWAG NANG BIGYAN NG BAGONG PUWESTO SA GOBYERNO — Nang mapuwesto si Nicanor Faeldon noon sa Bureau of Customs (BoC), nakalusot ang tone-toneladang shabu sa Adwana at ngayong nasa Bureau of Corrections (BuCor) siya, ang mga convicted murderers, rapists at drug lords naman ang nakalabas sa piitan.
Kaya kung sakaling sibakin ni P-Duterte sa BuCor si Faeldon, dapat huwag na niya itong bigyan ulit ng posisyon sa gobyerno kasi panira lang ito sa kanyang administrasyon, period!
◘◘◘
BATAS NA GCTA NG NAKARAANG AQUINO GOV’T., IBASURA—Naghain ng resolusyon sina Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Sen. Richard Gordon para ibasura ang batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA) o pagpapalaya sa mga presong “nagpakabait” daw.
Dapat lang kasi bad pala ang GCTA na isinabatas ng nakaraang administrasyong Aquino dahil ginagamit pala ito ng mga ‘buwaya’ sa BuCor para palayain ang mga mapeperang kilabot na kriminal, boom!
◘◘◘
TULAK DIN DAW NG ILIGAL NA DROGA ANG MGA KUBRADOR NG LOTTENG SA PASIG, MANDALUYONG, SAN JUAN AT MARIKINA—Nagbebenta rin daw ng shabu ang mga kubrador ng lotteng at bookies nina “Dodo”, “Ben”, “Jerry”, “Egay” at “Kit” sa Pasig City, Mandaluyong City, San Juan City at Marikina City.
Kung totoo ito, aba, dapat ipatokhang na agad ni EPD Director Brig. Gen. Johnson Almazan ang mga iligalistang ito, period!





Comments