top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Kung si Ipe, todo-dikit sa pangulo, waley pa rin… Bayani, ibinulgar na paulit-ulit inalok ng puwesto

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2019
2 min read

NAKAKATUWA ang kuwento ni Bayani Agbayani sa launching niya as the first ambassador ng Home Suite Furniture, na in fairness, 30 years na pala in the business, ha?

Nag-gym lang daw siya sa Celebrity Plaza at na-meet niya roon ang may-ari ng CLC Marketing Ventures, Inc. na si Mr. Charlie Ching nang lapitan niya ito at nag­kakuwentuhan sila. Next thing, kinukuha na ni Mr. Ching na endorser si Yani ng Home Suite dahil pareho raw ang advocacy ng kumpanya at ng komedyante — ang pagkakawanggawa — at ngayon nga, plano na raw ni Bayani na i-garage sale ang mga gamit nila sa bahay para palitan ng mga produkto ng Home Suite.

Ahhh, BFF Bayani (na ipinromote pa ang BULGAR sa presscon ng Home Suite dahil walang araw daw na hindi siya nagbabasa ng aming tabloid. Thank you so much, Yani), baka naman! Baka naman daw, oh! Haha! Joke lang! Pero puwedeng totohanin. Chos!

Anyway, of course, happy si Bayani sa bago niyang endorsement dahil matagal-tagal din daw siyang nawala sa mga billboards. At aminado siyang malaki ang naging tulong sa career niya ng exposure niya sa I Can See Your Voice ni Luis Manzano dahil nga­yon ay nagdaratingan ang ma­ra­ming opportunities sa kanya.

Dalawang movies ang ginagawa niya this year, ‘yung Mang Kepweng Returns 2 at ‘yung under Ten17 Productions ni Direk Paul Soriano na inspired sa mga movies na ginawa ni the late FPJ.

Bukod diyan, naging close rin si Bayani kay Pangulong Rodrigo Duterte at inalok na nga raw siya noon na maging part ng MTRCB pero ayaw niya talaga dahil mas gusto niyang mag-showbiz.

Pareho sila ni Robin Padilla na ilang ulit na rin daw inalok ng posisyon ng pangulo pero tumatanggi dahil okay na sa kanilang sumuporta kay P-Digong pero para humawak pa ng posisyon ay ‘wag na raw.

Na-curious tuloy kami kung si Phillip Salvador ba ay inalok na rin ng puwesto ni P-Digong at tumanggi rin kaya ito dahil bakit hanggang ngayon, kasa-kasama pa rin ni Sen. Bong Go kahit saan siya magpunta si Kuya Ipe?

Hmmm…

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page