top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ipupuslit sa NAIA, Amerikana huli | 6-day old baby, isinilid sa bagahe

  • June Simon
  • Sep 5, 2019
  • 1 min read

ISANG American national ang pinigilang makaalis ng bansa dahil sa tangkang pagpuslit sa sanggol na isinilid nito sa kanyang bagahe kahapon.

Nasa pangangalaga na ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang anim araw pa lamang na sanggol.

Kinilala ni Immigration Port Operation Division Chief Grifton Medina ang dayuhang si Jennifer Erin Talbot, 42, na walamg masabi kung bakit tangan-tangan nito ang sanggol.

Si Talbot ay nakatakdang sumakay ng Delta Airlines Flight DL180 alas-8:00 ng umaga nang pigilan ito ng mga awtoridad.

Napag-alaman kay Medina na walang kaukulang dokumento ang dayuhan na nagpapahintulot sa kanya na dalhin at ilabas ang sanggol sa bansa.

Ayon sa report, nasa boarding area na si Talbot, nang lapitan ito ng isang airline staff at laking-gulat pa ni Talbot nang sabihin ng airline staff na gusto nitong makita ang kanyang pasaporte at boarding pass.

Hindi sinasadyang makita ng staff ang mga paa ng bata na nakalitaw mula sa sweater na pinambalot nito.

Nang walang maipakita, agad na kinuwestiyon si Talbot hanggang sa tumawag ang airline sa Immigration.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ang kaso at inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Talbot habang ang sanggol na lalaki ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page