top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Global warming adhikain sa air run

A. Servinio / MC
Sep 5, 2019
1 min read

SERYOSONG paglilinis sa kapaligiran at pangangalaga sa kalikasan bunga na rin ng lumalalang global warming ang pangunahing adhikain ng idaraos na Air Run sa Setyembre 15, Linggo na lalarga sa CCP Complex, Pasay City.

Ikatlong elemento ang Air Run ng Takbo Para Sa Kalikasan na unang idinaos ang Fire, Water at panghuling event ang Earth run na inorganisa ng Green Media Events na taunang serye ng takbuhan upang hikayatin ang publiko na pangalagaan ang kalikasan.

Apat na kategoryang 3K (P650), 5K (P700), 10K (P900) at 21K (P1,050) ang mapagpipilian ng runners at ang finishers ay makatatanggap ng medalya at lootbag habang ang 10K at 21K ay may finisher shirt kung saan ang kikitain ay itutulong sa Haribon Foundation, ang environmental group na nangangalaga at nagbibigay proteksiyon sa lupa at karagatan.

Maaring magparehistro sa Garmin Stores ng SM North Edsa, Megamall, Glorietta 5, Alabang Town Center at BGC.

Pinipigilan din sa programa ng Haribon ang pagpuputol ng mga punongkahoy at halaman maging ng mga hayop na naka-a-apekto sa pagkain ng tao, tubig na iniinom, hangin na nilalanghap at klima na nararanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page