top of page
Pokwang.jpg

DA sa mga Pinoy: Kalma lang sa ASF

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2019
1 min read

NGAYONG araw, inaasahang lalabas ang resulta ng laboratory test na isinagawa para matukoy ang ikinasawi ng mga baboy sa ilang lugar sa bansa.

Una nang nagpadala ng tissue samples ang Department of Agriculture (DA) sa ibang bansa para ipasuri kung positibo o negatibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa bansa. Kasabay nito, iginiit ng DA na walang dapat ikabahala ang publiko.

Kung magpositibo man umano sa ASF ang resulta ng pagsusuri, tiniyak na ito ay napaghandaan na kung saan na-contain, na-manage at kontrolado na umano ang one-kilometer radius kung saan namatay ang mga baboy.

Wala na rin umano silang nakitang sakit sa unang lugar na naapektuhan. Maliban dito, nakahanda umano ang quarantine at food safety measures ng pamahalaan sa buong bansa.

Tulad ng mga nauna nang paliwanag, walang direktang epekto o banta sa kalusugan ng tao ang ASF, pero maaari itong ikasira ng hog industry na makaaapekto sa presyo at suplay ng karne sa bansa.

Tinatayang nasa P280 bilyon umano ang halaga ng industriya ng baboy sa bansa at pangwalo ito sa buong mundo.

Kung halos taun-taon ay dumaranas tayo ng ganitong sitwasyon, dapat sigurong mapaghandaan na rin ang worst-case scenario. Isaalang-alang din natin ang kalagayan ng mga hog-raiser na maaapektuhan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page