top of page
Pokwang.jpg

Bangkay ng kelot, natagpuang tadtad ng saksak

Pabs Hernandez III
Sep 5, 2019
1 min read

LANAO DEL NORTE—Natagpuang patay ang isang lalaki sa dalampasigan ng Bgy. Banago, Balabagan.

Kinilala ang biktima na si Tata Lavinia, nakatira sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar na may mga tama ng saksak.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad para mabatid ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page